Miyerkules, Marso 13, 2013

Buhay OFW...

Ano nga ba ang puno't dulo kung bakit mas maraming kababayan natin ang pinipiling maginban-bansa at doon makipag sapalaran?
Karamihan sa mgga OFW o Overseas Filipino worker na ang perang pinapadala nila sa kani-kanilang pamilya ay napupunta lang din naman sa mga pang-araw-araw na gastusin sa bahay o di naman ay sa pambayad sa utang o pagtustos sa pag-aaral ng mga anak. Ni wala halos maitira para sa pamumuhunan o pang-ipon man lang. Hindi gaanong napapakinabangan ang perang ito para sa pag-nenegosyo na sana'y napapakinabangan sa mga OFW at ng ating bansa.

Isa sa mga nakikita kong dahilan nito ay mababang sahod, ang ekonomiya ang ugat kung bakit maraming Pilipino ang umaalis sa ating bansa. Hindi nga ba, ang sweldo ng factory worker sa ibang bansa ay mas malaki pa sa mga sweldo ng mga Nurse dito sa atin.

May mga kababayan man tayong ofw na kahit may trabaho na sa pilipinas halos hindi ka pa makabili ng isang sakong bigas sa tuwing dumarating ang sahod, sa pamasahe palang wala na halos matira sa sinusuweldo mo. may trabaho ka pa niyan paano pa kaya kung wala kang trabaho sa pilipinas?
Bumibili ka ng bigas na pakilo-kilo lang o kaya makapasok ka man ng kompanya after six months or 3 months, tanggal ka na naman saan ka na kukuha ng ipapakain sa pamilya ?
Hirap di ba?

Ilang porsiyento ba na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang ofw ang nagsasabing mahirap maging ofw at ilang porsiyento naman kaya na mga kababayan natin na kasalukuyang nasa ibang bansa na ngayon ang nagsasabing mas mahirap ang buhay sa pilipinas?

Kung ako ang tatanungin, mas gusto kong mag-trabaho dito sa Pilipinas kesa' makipag sapalaran sa ibang bansa. Ngunit paano na lang sa panahon ng kagipitan? Kaya hindi natin masisisi ang mga Pilipinong ito kung bakit mas pinipili nilang i-contribute ang kanilang kakayahan sa ibang bansa.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento