Miyerkules, Marso 13, 2013

Taas Presyo. Iwas Bisyo?



Taas Presyo. Iwas Bisyo?

Sa pag taas ng presyo ng alak at sigarilyo ngayong taon ito, marami kaya Pilipino ang tuluyan na hihinto sa pag inom at paninigarilyo? Kung meron man siguro, minority lang ang magkaka-problema not the "whole society". Base sa aking obserbasyon, marami pa ring Pilipino ang mukhang hindi apektado sa pagtaas ng alak lalong-lalo na ang sigarilyo. Marami pa ring akong nakikita na consumption ng sigarilyo ang hindi humihinto o hindi man lang nag-babawas sa pag bi-bisyo. Marahil sa umpisa Oo pero habang tumatagal, taon-taon lalong tataas ang presyo ng mga ito.

Ngunit, sa mga artikulong nababasa ko, kung tuluyan daw tataas pati ang presyo ng sigarilyo, isa sa kinakatakutan ng ilan ay baka raw maraming Pilipino ang mas mahikayat sa pag gamit na pinagbabawal na droga o tinatawag nilang Marijuana. 


Siguro naman hindi lingid sa ating kaalaman na ang klase ng society na meron tayo sa Pilipinas ay yung tinatawag na Pyramid Society.




Sabihin na nating ang Pharoah ay nag rerepresenta ng mayayaman, milyonaryo, o may ari ng mga kumpanya at ang nasa baba niya ay ang mga manggagawa, pobre, mahihirap, middle-class, at mga kagaya pa nito.

Sabihin na natin na ang nasa pinakataas ay 10% ng lipunan at 90% ang nasa baba nito.
Sino ba ang naninigarilyo? 90%
Sino ang umiinom? 90%
Sino ang mga pumupunta sa bar? 90%
Sino ang mga nagiinuman at nagkakaraoke pag may birthday, binyag, kasal, o kung anu-ano pa? 90%
Sino ang may ari ng San Miguel, Marlboro, at mga kagaya nito? 10%
Sino ang mga mayayamang tao na nagbebenta nito? 10%
AT SINO ANG YAYAMAN PAG NAIPASA ANG SIN TAX BILL? 10%
AT SINO LALO ANG MAGHIHIRAP? 90%
Eto ang totoong mukha ng Sin Tax Law. Nakakalungkot lang isipin na ang mahirap ay lalong maghihirap at ang mayaman ay lalong yayaman. Ngunit, sabi na nga ng ilan. nasa tao na yun kung talagang gusto nilang itigil ang kani-kanilang mga bisyo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento